Archive

Archive for August, 2006

Hito (Catfish) Raising

August 31st, 2006 arnx No comments

If you want to know tips and procedure how to culture Catfish or Hito, then this is the post your looking for.

Hito can be raised in a small pond. There are two common varieties of catfish in the Philippines—one that is our own native hito that thrives in rice fields and rivers, sometimes in muddy places; and the other one brought over from Thailand or Taiwan. Both kinds can be raised and grown commercially.

Within four months, hito can grow as big as a size weighing 300-400 grams or three in a kilo. In Taiwan, they grow hito as big as two kilos each.

Hito from Taiwan origin is dark gray with white belly.

Cage

1. For commercial purposes, one hectare of fish pond can rear as many as 100,000 small hito or fingerlings. In other countries like Thailand, they grow as many as 300,000 to 400,000 fingerlings in one hectare of fish pond.

2. The sides of the fishpond should be concrete so as to withstand flood or heavy rains. The smaller the grow-out ponds, the easier to manager them. (1 ½ hectare)

3. It is not necessary to provide an aerator even if the fish population is big because the hito has an auxiliary respiratory organ and can naturally breathe fresh air; therefore it is not stressed by low dissolved oxygen levels.

4. The ponds water depth must be about one and half meters ( ½ m) throughout the culture period. fresh water may be drawn from a nearby river. Change of water is done when it becomes murky.

Feed

Hito needs protein, so they like flesh meat. They can also thrive on any food growing in the pond bottom, or they can eat one another, or escape from the pond. So, they must be provided with enough protein foods—carcass, trash fish, commercial fish feed.

Some hito growers get their carcass feed from chicken or poultry internal organs, or trash fish from fishermen.

It takes four months to grow hito that is about 2 kilograms, or three-to-four-pieces per kilo.

Source: Greenfields, August 1991; http://elgu2.ncc.gov.ph; photo from:advanceddivermagazine.com

Kabute (mushroom) Farming

August 31st, 2006 arnx No comments

Ang pagtatanim ng kabute ay kapaki-pakinabang. Ito ay inihanay na sa kalipunan ng mga gulay at ibinibilang na isa sa mga masustansyang pagkain. Hindi nangangailangan ng malaking lugar at hindi gugugol ng mahabang panahon sa pagtatanim.
Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama:
Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.

Paghahanda:
Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami. Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras. Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay makasipsip ng katamtamang dami ng tubig. Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba. Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig kung ang tubig ay naguumpisa nang dumaloy sa kama.

Pagtatanim ng Binhi:
Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama. Patungan ng panibagong dayami na pasalungat sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na binhi ng kabute.

Pag-aalaga sa Kaman ng Kabute:
Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit kong tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling ipagpatuloy ang pagdidilig.

Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay naguumpisa nang tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.

Source: www.da.gov.ph

Post Directory – Articles

August 15th, 2006 arnx No comments
Categories: Uncategorized Tags:

Post Directory-Medium Enterprise

August 15th, 2006 arnx No comments
Categories: Uncategorized Tags:

Post Directory-Agribusiness

August 15th, 2006 arnx No comments
Categories: Uncategorized Tags: